'ang lakas ng ulan.'
'oo nga. malamig. sa mga ganitong panahon mo maiisip na masarap ang may ka kiskisan ng balat.'
'kiskisan ng balat?'
'skin to skin.' sa maternal & child nursing, it promotes bonding sa mag ina.
'yea. whatever. pwede ba mag tanong?'
'diba nagtatanong ka na nga.'
'seryoso ako.'
'hehe. ano ba yun?'
'masaya ka ba?'
'saan?'
'sa piling niya.'
'masayahin akong tao. kahit sino, kahit nga emo napapatawa ko. pag napasaya ko sila, masaya na rin ako.'
'hindi mo nmn sinagot ang tanong ko.'
'sinagot ko.'
'pero hindi ung hinahanap kong sagot.'
'pero sinagot ko.'
'napapsaya mo nmn ba siya?'
'siguro. kami pa rin nmn eh.'
'eh sa relasyon niyo, masaya ka rin ba?'
'teka. sino ka ba? bakit ang dami mong tanong?'
'ewan ko. ito ang role ko eh. magtanong. at ang role mo, sumagot. kaya un lang ang dapat mong gawin.'
'huh?'
'eh sa relasyon niyo, masaya ka rin ba?'
'magkaiba pa ba un?'
'oo magkaiba pa un'
'bakit, pwede ko bang sabihing masaya ako sa relasyon namin pero hindi sa piling niya?'
'hindi. pero pwede mong sabihing masaya ka sa piling niya pero hindi sa relasyon niyo.'
*tango*
'mahal mo ba siya?'
*kuliglig*
'ah.. hindi'
'teka! wala akong sinasabing hindi. hindi pa kaya ako sumasagot.'
'un ang sabi ng kuliglig eh.'
'ano nmn ang kinalaman dito ng isang kuliglig? at paano mo nalaman na "hindi" yung sagot niya?'
'andami mo namang tanong eh. ako lang ang dapat na nagtatanong sa'yo.
'sino ka ba kasi?'
'sinabi ko na sa'yo. hindi ko rin alam. basta sumagot ka na lng. so hindi mo siya mahal.'
'mahal niya ako.'
'tingin mo sa pamamagitan niya matatakasan mo ang nakaraan mo?'
'siguro.'
'pero hindi mo siya mahal.'
'pero mahal niya ako.'
'ito ba ang gusto mo?'
'ito ang dapat kong gustuhin.'
'bakit?'
'dahil ito ang tama'
'at ang mali?'
'ang mali ay hindi dapat ginagawa.
'pero un ang gusto mo. dun ka masaya.'
'wala nmn akong sinasabing hindi ako masaya dito ah.'
'paano ka magiging masaya sa isang bagay na hindi mo gusto?'
*tingin sa malayo*
'...'
'...'
'mahirap ba?'
'ang alin?'
'ang sitwasyon mo nagun?'
'anong part ba ng situation ko ang tinutukoy mo?
'the whole part.'
*hingang malalim* 'sana ibang spermatozoon nalng ng tatay ko ang nag fertilize sa ovum ng nanay ko nung ginawa nila ako.'
'wala ka ngayon kung nagkaganun.'
'exactly.'
'...'
'...'
'sumigaw ka.'
'huh?'
'isigaw mo.'
'ang alin?'
'ang totoong nararamdaman mo.'
'bakit?'
'nakakagaan yun.'
'ayoko.'
'bakit?'
'mababasa niya.'
'oo nga pla. kahit tayong dalawa lang ang naguusap, maraming tao ang makakabasa nito.'
'teka, siguro nmn pwede mo na akong sagutin. sino ka ba?'
'hindi ko nga alam.'
'huh? pwede ba un?'
'bakit ikaw, kilala mo ba sarili mo?'
'ahh. hindi nga rin eh. sino ba ako?'
'lalong hindi ko alam.'
'bakit kasi wala tayong mga pangalan?'
'yun ang gusto niya eh.'
'nino?'
'ni jeszie. siya ang gumawa satin.'
'hindi kaya epitome nya tayo?'
'tayo? eh isa lang nmn siya.'
'so sino sa 'ting dalawa?'
...and i don't want the world to see me. co'z i don't think that they'd understand. when everything's made to be broken, i just want you to know who i am...
hooy manong ang ingay ng radyo mooooo!!!
..jeszieBoy
..*hingang malalim*
Friday, July 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
*claps*
this is good stuff jessie. mas lalo kitang nakikilala.
naks!
haist.
epekto ba yan jessie???
haha!
tama yung isa!
isigaw muh! :))
baka sakaling marinig
at baka sakaling gumaan...
walang masama sa pagbabakasakali.
hehe. :))
hay buhay... HIRAP! :))
ang lalim ng iniisip natin ah..
Boris..
daya. buti ikaw nakikilala mo na mo.
ako hindi pa sa'yo.lol.
salmaat pre! :]
ate angge!
oo. nabasa ko kasi yung latest post mo. ayan. nahawa tuloy ako!haha. :]]
gillboard..
haha. pansin ba?
minsan maganda rin yung seryosong entry. haha. :]]
i love dan brown's digital fortress. then got sad after realizing brown got the idea from another book.
ang seryoso natin gayon dito a!
Jezsie:
Hmmm...
Very intriguing entry.
It actually took me to a world of AMBIGUITY. It's like being in the middle of a gender-bender conversation inside the head of a male and a female characters and then in the end, both became a confluent of one sexual identity.
Quite deep and thought-provoking.
Now, this is what I would call audacity, dude. Congratulations. You are indeed living your life to the fullest and that's exactly what all human beings should do.
Explore and live life.
:)
emo mode ah.
Ayos 'to ah. Very creative ang pagkagawa, Jesz.
love the dialogue and the song lines perfectly fitted the entry. i always thought iris was that kind of a song!
kudos!
(>^o^)> hekhek!...
Mejo naguluhan ako dun ah....
Magulo ba talaga yung mga entity na yun??? Epitome kung yun yung tawag nila sa sarili nila...
(>^^o)> harhar!
(>?.?)> ako??? sino ako???
(>O.O)> bagong dayo lang po...
naligaw lang at napadpad dito...
(>^^o)> hekhek!
hehehe kulang pa ba yung mga nilalagay ko sa blog ko? XD
syanga pala, patulong naman oh. chat tayo pwede ba malaman ang YM mo? ASAP po :)
Inkversivied..
oh really? hey! i didn't know that!
Badong..
oo eh. medyo.
haha. minsan lang nmn!lol.
coolCanadian..
oh that's too much compliments.
wahaha. salaamaat ng marami daawg!hehe. :]
ELAY..
emo ba? onga no! lol
RJ..
haha. salamaat po doc! :]
wandering commuter..
yea. ganun nga din iniisip ko! :]
Kian..
naguluhan ba?
un tlga purpose ko eh,lol.
Boris..
andun sa profile ko boris..
tingnan mo nlng.hehe. :]]
Post a Comment