Sunday, January 25, 2009

be AN defensive driver?!

pagkatapos ng klase ko kahapon, naisip kong pumunta ng SM. wala lang. mag aliw aliw lang. malapit lang nmn. nilakad ko na lang. Para na rin mabawasan ang taba ko sa katawan. mukang tumataba na nmn eh. hirap tlga pag masasarap na pagkain lagi nakahain sau. nung nasa tapat na ako ng SM, patawid na sana ako, napalingun ako sa likod ko. nakita ko tong MEGA DRIVING SCHOOL.

kahit na marunong na ako mag maneho, gusto ko pa rin mag enroll sa isang driving school. ayoko nman kasi maging mangmang sa mga traffic rules. tama na yung isang beses akong nahuli. ayoko magpakain ng magpakain ng mga buwaya sa kalsada. erpat ko lang nmn kasi nagturo sakin. at hindi nman kami nag didiscuss o nagku quiz tungkol sa traffic rules.

lumalpit ako sa driving school na yun, mag iinquire sana. napatingin ako sa tarpulin nila. pagkabasa ko, biglang nagbago ang isip ko. ayoko. kung papasok ako sa isang driving school, hindi sa ganitong klase. nagulat tlga ako ng makita ko. Be an defensive driver? wappakk!

habang kinukunan ko ng litrato ung tarpulin nila, nakatingin sakin ung babae sa loob ng office. kinakabahan ako bka sitahin ako. haha.

..jeszieBoy
..I dont want to be AN DEFENSIVE DRIVER! Lols. :]]

12 comments:

. said...

Ang laking sablay niyan. Sabagay pwede kang maging expert driver kahit may saltik ka sa grammar. Hehehe.

Mugen

Unknown said...

..mugen

haha. uu nga, sabagay.
pero kahit na! haha. :]]

Anonymous said...

pre..mali ang grammar aa..

Unknown said...

queenie..

kaya nga ayoko pumasok dun dahil grammar plang mali na.

Kokoi said...

yaiks! kahiya naman sila... hehe

Unknown said...

..kokoi

kahiya ba?
haha.

gillboard said...

ayoko mag-aral ng English and Grammar dyan... buti na lang driving school yan...

Anonymous said...

sa iba ca na lang mag try,,hehe

baka pati turo sau ee.mali rin/dba??

Unknown said...

baka ibig sabihin dyan eh UNDEFENSIVE DRIVER..nawrong spelled lang..pero bakit may space..hahaha..at tsaka di na za wrong grammar, wrong spelling na naman...nakupo, both sides now..

anyhows, napadaan..

Unknown said...

..gillboard

haha. uo nga eh. kung grammar.
wag na, mahirap na. :]]

..queenie

uo nga eh.
haha. yoko tlga dun!

..vanvan

ang gulo..haha..
naguluhan ako lalo.
lols.
niweis, salamat sa pagdaan! :]

Anonymous said...

tama ung defensive driver. ibig sbihin nun eh pagiging alerto at alam ng driver kung ano ang right of way nya.

ang mali lng dun eh paggamit ng word na "an"

ano b yan! nkakaduda mgaral dyan. hehe

Unknown said...

..joffred

alam ko ang ibig sabihin ng 'defensive'

ung 'an' nga ang tinutukoy kong mali dyan.
kaya un ung nakabold an malaking letters. :]