Sunday, April 26, 2009

Usapang Lalaki

after 48 yrs, i finally decided to update my blog again. it's quite a long time since i last posted an entry here. medyo nawala ako sa sirkulasyon ng blogsperyo. madami kasing nangyari. talgang madami. hindi ko maisaisa dito. o mas magandang sabihing hindi ko kayang sabihin dito. dahil bka mabasa nya. nino? kung sino ang unang naiisip mo.

sa isang forum, may nabasa akong thread. Na-engganyo akong basahin dahil sa sulsol ng isang kaibigan. pagkatapos kong basahin, na realize ko na tama. tama ang lahat ng nabasa ko. narealize ko ang mga bagay na hindi ko nmn naiisip nung mga panahong ako ang nasa ganoong sitwasyon.. siguro dahil persistent ako na maayus ang mga bagay na alam kong hindi nmn na maayos. ngayon eto, basahin mo. ng makapag isip isip ka. :]




*grabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*

Musta na, pare?
Ako, okay lang.
Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan.
Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare,ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan,
hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake
na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano.
Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e.

Ang alam lang ata nila e
mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun,
kung ano pang diskarte ang gagawin naten
para masabi naten sa kanila na mahal natin sila.
Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten.

Patutunayan na mahal nga sila.

Susuyuin..

to-the-max.

Maghahatid sa bahay, tutulungan,
sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan,
lahat na.

Kulang na lang e pagsilbihan mo nang
walang sahod. (Hahaha!)

At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila.
Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila.

Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip,
isang malaking HINDE ang makukuha
naten,

kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

“Hindi pa ‘ko ready eh..”,
“Sorry pero I think we should just be friends..”,
“Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”
“Better luck next time na lang muna, okay lang?”,
“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”,
"Para lang kitang kapatid eh.. "

yaddah yaddah.

Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon.
Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya..
tayo ang hahawak ng relasyon.
Tayo ang aayos kung may gulo;
tayo ang dapat magpapakabait;
tayo ang magtatyaga;
tayo ang magiging devoted at faithful;
tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet;
sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts;
sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano;
sila ang magbabawal;
sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave,
kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila,
kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila,
at kung kelan ka korni.

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*


Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon.

Pag maganda, edi okay.
Pag may problema, kasalanan naten.
Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila.
Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso.
At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan.

Mas mature?
Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa.
Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon.
Sa mga panahong ‘to, either
sawa na sila, hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?
Syempre wasak na ang imahe naten.
Tayo ang lalabas na may kasalanan.
Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist
at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending:
mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan,
lahat ng gifts naten nasa kanila,
sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten,
at higit sa lahat,
mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake.
Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.
Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok ng alak

Ang mga babae talaga, oo.


..jeszieBoy
..I'M BACK BLOGGING! :]

18 comments:

Aris said...

Hahaha! Sapol na sapol, kid bro! :)

=supergulaman= said...

...ahehehe..ganun talaga eh, kailangan natin dumaan dyan....

pero parekoy...despite of all these things... sobrang mahal pa din natin sila.... :)

gillboard said...

masasabi niyo kaya yan pag mahal na mahal niyo yung kasintahan niyo?

Kokoi said...

lam mo jesz, sa tingin ko isa rin ito sa mga dahilan kung bakit tumigil na ako sa babae. tama lahat ng sinabi mo. alam nating mga lalaki ang ganung paghihirap kaya ang ginawa ko, naghanap ng kapwa lalaki... hehe.

pero seriously, tama mga sinabi mo!

Unknown said...

nice one. very true.

@kokoi. wag ka ganyan baka sundin ni jeszie boi yan. lol

Kokoi said...

naku huwag naman sana. hehehe. pero kung sakaling magkaganun... text mo ko jesz. nyahahah...

:)

Anonymous said...

Wahahaha! Ako pa lang ata ang babae dito, lolz

Uhm, guilty as charge ako dito ah.. Wahahahaha! Nauubo ako!!

Hindi ko alam pero naging hobby ko na ang magpa-asa.. Di ko nasasabi agad na ayaw ko yung tao.. Pero mas masakit pala pag pinatagal mo pa.. Kaya nga ayoko nang nagpapaligaw, mas gusto ko na kaibigan na lang muna, bahala na si Batman kung anung mangyayari..wehe

Well, persistence pays. Di mo lang nga masasabi pero madalas magiging kayo din bandang huli..

eh anu bang alam ko dito??? lolz

queenie mijares said...

well..
ung blog mo..
mejo natamaan aco dhun aa..
yea ur ryt.
ndhi co napapansin mga sacrfices nila.
i'm sorry por dat..
don't worri pagkakalat co na..
ang mga boys ndhie lan puro easy easytlgang nagsasacrifice dhin..
at naghihirap..

continue mo an pre update huh.
hehe

Boris said...

yay nabuhay ka rin hehehehe XD

anyway parang ganun nga ang babae.
* pero sila kasi nakakasiguro kasi gusto nila ng lalakeng hindi sila iiwan
* ang babae mahina kaya kelangan nila ng lalake na malakas
* test lang iyon
* kaya friends kasi ayaw niyang makasakit tsaka gusto ka nilang makasama.

pero we'll get over it. may makikita naman tayong karapat-dapat. tulad ko meron na :)

we can find someone in our lives. you don't have to think about it to much. they'll come your way :)

Unknown said...

aris..

sapul ba?haha. appir! :]

supergulaman..

tama ka dyan.hindi nmn na yata tlga mawawala un. tsk. :[

Unknown said...

gillboard..

hindi siguro, kung nasa maayus nmn ang kalagayan nyo. ung mga bitter lng nmn ang nagsasabi nyan! bwahaha. :]]

kokoi..

haha.natawa nmn ako dun.lols.
bka ganun din mangyari saken?bwahaha. :]]

Unknown said...

mon..

haha.yaan mo, pagiisipan ko un! bwahaha. :]]

dylan dimaubusan..

ayan oh. isa ka pla sa mga yan! guilty ba?haha.
nakoow! kau tlgang mga babae!tsk3..haha. :]]

Unknown said...

queenie..

haha.guilty rin ba? ayaan.
haha. :]]

boris..

i always hated it everytime they say that it's better for us to be just friends! grrr!

abe mulong caracas said...

tagal tagal mong nawala, kabalik balik mo ang lakas ng tama hehehe

NOMS said...

i dont smoke but i have something to say...
you dont have to court a girl or do those things that u'll eventually get fed up doin.
just be yourself and she'll come around you.

show those dance moves mate

Unknown said...

abe mulong caracas..

parang kanta un ah?
haha. :]]

noms..
but the thing is u wanna catch the bird,
haha. :]]

The Scud said...

naka-relate ako. lalo na ung post break-up. nyahaha...

Unknown said...

the scud..

nakoww. tlgang maraming kalalakihan ang nakakarelate dito.
tsk3.. :]