Showing posts with label nanay. Show all posts
Showing posts with label nanay. Show all posts

Sunday, May 10, 2009

ang dakilang INA at ang walang utang na loob na ANAK

"o nak, gising ka na pla. teka ha. male-late na kami handa ko lang baon namin ng tatay mo.

'kelan ba dadating ung katulong? badtrip nman eh. wala na akong ibang ginawa tuwing hapon pagdating galing school kundi maglaba ng maglaba ng uniform ko. napapagod na ako! hindi ako mkapg review. midterms ko na! ano isasagot ko nyan?'

"may washing machine nman."

"kahit na! pagod na pagod na ako! sa umaga paplantsyahin ko pa uniform ko. kaya ako lagi late. badtrip! kelan ba babalik ung katulong? bat nmn kasi pinayagan nyo pa mag pahinga. wala tuloy maasahan dito sa bahay!'

'*walang imik*'

"nakakapagod na! bwiset!"

'kumain ka na muna. niluto ko ung paborito mo. wag ka magalala. naglaba na ako kaninang madaling araw. para hindi ka na maglaba mmya pag uwi mo. plantasyahin ko nlng mmyang gabi pag uwi ko.

"nakasimangot pa din."

'kung hindi mu na tlga makita ung digicam mo, eto pambili ng bago. wala na tayong magagawa dun. *sabay abot ng pera*'

***
kaya mu bang gawin yan sa ermat mo? kaya mo ba siyang sigaw sigawan na parang ikaw ang nagpapalamon sa kanya? na parang ikaw ang naghirap sa pagdadala sa kanya sa loob ng 9 na buwan, na parang ikaw ang magkanda tae tae sa pagiri, mailabas lang siya kahit hindi mo na makaya ang sakit? malamang sa malamang ay hindi. lalo na kung alam mo lahat ng pinagsasasabi ko at naaapreciate mo ang lhat ng ginagawa ng ermat mo.

kaya bilib din nmn ako sa taong to, na walang preno ang bibig sa pagtalak sa ermat niya. ni hindi na niya naisip ang mga ginagawa ng ermat niya para sa kanya. ang lahat ng pagod di iniinda, maibigay lang lahat ng gusto niya. mapag aral lang siya sa isang magandang paaralan. WALANG UTANG NA LOOB! naaawa ako sa ermats niya, kasi nagkaroon siya ng ganung klaseng anak. kung sa iba ung baka ginulpi na siya, o kaya sinumbong sa erpat niya. pero dahil napaka bait ng ermat niya, nanatili na lang siyang tahimik.

'bagong gising lang ako nun. kaya ko nagawa un. pero indi tlga ako ganun.'

sige, given na bagong gising nga siya. pero kung nandoon din ung erpat niya, gagawin niya din kaya yun? malamang hindi. dahil baka napatay na siya nito sa bugbog.

'lagi nalang kasi ako naglalaba. napapagod na ako. hindi nmn kasi ako sanay gumawa sa bahay.'

hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. siguro parehas na lang. napaka babaw ng dahilan. laba lang? nagrereklamo na? eh ung ermat niya, naglalaba sa madaling araw, nagluluto ng ulam para sa maghapon. papasok sa trabaho. isusubsob ang muka sa mga paperworks sa opisina. tapos magpapabalik balik sa production, at office. init, lamig, init, lamig. pag uwi magluluto pa ng hapunan. at kapag wala tlgang maghuhugas ng mga kinainan, siya na ang gagawa. dahil ang mga anak, purong tamad. at mukang gusto pa niyang palabasin na kasalanan ng ermat niya na hindi siya marunong gumawa sa bahay.tsk tsk tsk..

'alam ko namang mali ung ginawa ko. ang totoo, pag alis ni ermat, naisip ko ung ginawa ko. at naiyak na lang sa banyo, dahil naisip ko kung gaano ako kasamang anak. kanina, inagahan ko ang pag gising para maabutan ko si ermat. maaga kasi sila umaattend ng church. sakto. paalis na sila.'


***
'nay, san po kayo punta?'

"church. hindi ka ba sasama?"

'*iling*'

'kumain ka na lang dyan ah. nagluto na ako. bka matagalan kami dun kasi me practice pa ata tambourine dancers ng youth ministry. kahit linggo gusto ng kapatid mo magpractice eh.'

"*akbay* happy mother's day po. sorry po sa nasabi ko nung isang araw ah. *tsup.*"

'aus na un. wag ka nlng maingay sa tatay mo. nako, ang anak ko. kelan mo ba ako huling hinalikan? grade 4 ka pa ata nun. haha. :))'

***
ang dakilang ina.

***
nasan ung walang utang na loob na anak? hindi na kelangan ilagay ang pic niya. tumingin nlng kayo sa paligid ng blog na ito. makikita niyo siya.


...jeszieBoy
...HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL OUR MOMS! :]