Wednesday, June 3, 2009

do you still remember SAMBAG?

naaalala mo pa ba yung pelikulang MAGIC TEMPLE? anim na taong gulang ako nang ilabas ito ng Star Cinema bilang official entry sa Metro Manila Film Festival 1996. Kung meron man akong alaala nung anim na taon plang ako na talaga namang tumatak sa akin, marahil ito na yun. nung ma-hook ako dito. wala akong ibang alam nuon sa pelikulang ito bukod sa magic. mga batang may mga kapangyarihan at nakikipaglaban sa kasamaan upang maibalik ang balanse ng timbangan ng mundo. iyon marahil ang naging dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagkahumaling ko sa pelikulang ito. sa kaibuturan ng aking puso, nagtatago ang isang pangarap na maging katulad nila. na maging isa sa kanila. alam mo na, bata.

kung naalala mo ito, tiyak kilala mo si SAMBAG o si Junell Hernando sa totoong buhay. isa sa mga bida sa nasabing pelikula kasama sina JUBAL (Jason Salcedo) at OMAR (Marc Solis). Naisip mo ba kung nasaan na ang mga artistang ito? kung bakit nawala sila sa showbiz at hindi na muling humarap pa sa camera? marahil ay hindi. ano naman ang pakielam mo diba?

sa pagkakaalam ko, si sambag ang unang nawala sa industriya ng mga plastik. si jubal, naaalala ko may isa pa siyang palabas noon na napanuod ko kasama si gloria romero, nakalimutan ko lang yung title. si omar naman, nakita ko pa siya sa tv, last yr lang ata. ewan, di ko na rin matandaan. kaya naman hinanap ko through internet kung nasaan na si sambag. ilang oras din ang tinagal ko kakahanap sa iba't ibang search engines. hanggang sa mapunta ako sa isang link. nakita ko si sambag. si sambag na lampayatot at pumipiyok piyok pa nuon sa pelikula. ibang iba na. malamang. sa tinagal tagal ba naman ng panahon eh.



eto na ngayon si sambag, kasama ang kanyang asawa at cute na cute na anak.



kita mo nga naman, nakabingwit si sambag ng imported!



..jeszieBoy
..parang kape't gatas lang! pero astigin, kudos sambag!lol.

5 comments:

Anonymous said...

dah? what kind of article is this? para atang nilait mo lang naman si sambag.

Anonymous said...

Junell Hernando is living in Utah for number of years... Fat or skinny, he's still the cute Sambag :)

TheMhadz27 said...

Para sa mga fans ni sambag at ni kua Jubal..pwede nyu pong i add ang fanpage na ito sa Fb "Junell Hernando (Official Fan Group)." Nagkakaroon po kami ng get together sa mismong bahay nila kuya sambag dito sa Manila.. nakakausap nmin sya via Ovooh at kung minsan nakaka cideo chat din namin sya kasama si kuya Jubal. ;)

Lee Hyun Ae (Girlie) said...

Wow! Namimis ko talaga sila.. grabe sana bumalik na cla sa showbiz.

Anonymous said...

Wow crush q c San bag nakakatunaw tingin niya